Galit na galit na naglabas ng kanilang saloobin sina Sue Ramirez at Maris Racal matapos kumalat ang pekeng litrato kung saan makikita silang walang suot.

Sa post ni Sue sa kanyang Instragram ay sinabi niyang huwag agad maniwala sa mga fakenews sa Social media.

“Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito,” 

Gusto lang sana ni Sue na hindi na umimik sa isyu peru hindi na niya ito kinaya.

“’Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na ‘to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls lang. Sumosobra na kayo,” saad ni Sue.  

Dagdag pa ng actress: “Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito.

Sa hiwalay niyang post ay nangdidiri ang actress sa nagpakalat ng kanilang larawan.

Sambit niya: “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!”

Nakikiusap rin ang actress na naway matulungan siya ng kanyang 8 million followers sa instagram na mapigilan ang pagkalat ng nasabing larawan.

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM,” ani Sue.  

Dagdag pa ng actress: “THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this. HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post