Dismayado si Megastar Sharon Cuneta sa balitang mapapanood raw siya sa ASAP sa darating na linggo January 24.

Aniya, hindi pa raw siya nagyes na maguest siya sa ASAP.

Meron rin daw siyang work sa darating na linggo.

"Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday! I don’t know why lumalabas sa social media na guest po ako sa A.S.A.P. this Sunday when di naman po ako nag-‘Yes’ sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun, kasi patapos na ang buwan, at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin."sabi ni Sharon

Ayaw rin daw ni Sharon na madamay ang kanyang anak na si KC sa isyu.

"Ayoko din yung nadadamay pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman. Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina? ":dagdag pa niya

Sabi pa ni Sharon:" I love my A.S.A.P. family (I love MR. M MOST OF ALL. Pero NAWALA NA SIYA DOON.) but this is upsetting. Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa po ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko. The stars of ASAP have nothing to do with this. I am sure the staff meant well by asking me to guest. Unfortunately, this is still unfair to me."

Posted by:Sharon Cuneta on Facebook


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post