Nagsalita narin sa wakas ang dating little big star winner na si Raph Salazar sa kumakalat ngayon na isyung ikinasal na siya sa kanyang boyfriend.

Ibinahagi kasi ni Raph sa kanyang social media account ang larawan nila kasama ang kanyang boyfriend na si Erwin Laroya na kumakain ng cake.

Sabay caption ng: "Cheers to more sweet memories with you 🍰"
Photo Credits: Raph Salazar on Facebook

Sa hiwalay niyang post, ay sinabi niyang hindi sila ang kinasal kundi ang kanyang kapatid.

"KALMA PO TAYO! Hindi po ako ang kinasal. It was my sister Emaida who got married yesterday.

Dadating din po tayo sa tamang panahon na yan. Hehe. I appreciate all the love and support 🤗"
Photo Credits: Raph Salazar on Facebook

Ibinahagi rin ng singer ang mga screenshot galing sa mga pages na nagsasabing sila ay ikinasal na.
Photo Credits: Raph Salazar on Facebook



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post