300k nga ba monthly ang Talent Fee nina Maja Salvador at Piolo Pascual sa Sunday Noontime Show (SNL) sa TV5?

Sa kanyang instagram inilahad ni Lolit Solis ang diumanoy pagkalugi ni Albee Benitez,Chairman and Ceo sa Brighlight Productions.

"Ngayon na unti unting nakikita ni Papa Albee Benitez how showbiz sentiments is working Salve, nag SOS na siya kay mama Marivic Larrazabal. Kasi nga, hangga ngayon hindi maisip ni Papa Albee na siya na ang nalugi siya pa ang sinisisi at lumalabas na bad boy." 

"Ofcourse kahit sino negosyante gusto na tuloy tuloy ang show hangga puwede ituloy, pero kung hindi naman umaangat bakit hindi mo puputulin."

Sabi pa ni Lolit, ito raw ang naging dahilan kung bakit kinancel nalang ang SNL at ibininagay nalang ang airing sa ASAP ng ABSCBN.

"Tapos iyon discovery na halos lahat pala binabayaran mo ng more than what they were getting before, siyempre you feel betrayed and cheated. Kaya hindi ako mabibigla kung maisip ni Papa Albee na ibigay ng lahat ng airtime niya sa ABS CBN at sosyo na lang siya dito para mas makuha pa ang fair deal na hindi niya nakuha sa mga nego niya sa Brightlight. Ewan ko kung bakit hindi nabantayan ni PatP ang mga naganap na nego samantalang siya ang trusted lady ng Brightlight."

Nagbabayad raw ng malaking sahod si Albee sa mga employado na umabot raw ng 300k monthly. 

"Nagbabayad ng malaking salary sa mga employees niya si Papa Albee pero parang hindi niya nakuha ang protection dapat ibigay sa kanya, kaya hindi kataka taka na medyo disappointed siya at ngayon nga nag SOS na sa trusted niyang si Mama Marivic na siya ngayon naglatag ng mga nakita niyang loopholes sa mga programa ng Brightlight."

" Kaya nga Salve at Gorgy, huwag na kayo umasa ng 300K a month salary kung panay stress naman ang makukuha nyo, hah hah. Kaya nga mas mabuti pa iyon mga red enve na lang asahan nyo kesa naman 300K nga monthly nyo, puputi agad ang buhok nyo, di ba PatP ? Hah hah joke joke lang #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako"

Since sina Piolo at Maja ang bigstars sa SNL, sa aming palagay ay sila ang sumasahod ng ganoon kalaking pera. Kayo sa tingin niyo totoo kaya ito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post