Nagsalita narin sa wakas si Mocha Uson sa isyu tungkol sa kanila ni Robin Padilla.

Pinaghihinalaan kasi ng maraming netizens na buntis umano ngayon si Mocha at ang ama ay si Robin Padilla.

Sa kanyang official facebook page, ay nagsalita na si Mocha kasabay ng pagpost niya ng video kung saan siya ay nag-ehersisyo.

Sabi ni Mocha:

"BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? 

Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel. Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila."

Posted by: Margaux "Mocha" Uson on Facebook



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post