Inilahad ng showbiz manager na si Ogie Diaz na may ilan umanong mga artistang lumipat sa kabilang network ang hindi na makakabalik sa ABSCBN kung sakaling magbabalik na sa ere ang kapamilya network.

Sa isang vlog ni Ogie Diaz ay tinanong siya ni Mama Loi na: “eh nay yung mga umalis saka nangibang bakod. Makakabalik din?”

Sagot na Ogie:

"ang alam ko pag nandun ka na. kunware nabigyan ulet ng prangkisa ang ABS-CBN, tapos andun sila sa TV5 o sa GMA 7 at may show parin sila ehd dun sila. Pero yung kakatok ulet sa ABS-CBN, siyempre ako ha kung kilala ko yung mga bossing ng ABS-CBN. Kung may asim ka pa, tatanggapin parin kita.”

“Pero kung nagpakawala ka ng hindi magandang salita against sa ABS-CBN, mamarkahan ka nila. Kasi kung ayaw mo saamen, eh bakit pa tayo mag tratrabaho kung ayaw mo saamen. Diba ehd diyan ka nalang sa gusto mo.”

“Meron akong mga listahan ng mga tao na parang hindi makakabalik sa ABS-CB….May mga artistang binanggit sakin na hindi na makakabalik sa ABS-CBN. Meron ding mga staff o production staff na hindi rin makakabalik sa ABS-CBN.

Kasi una, siyempre sa iba nasaktan ang ABS. Pangalawa yung ayaw ng ABS-CBN yung, oh bigla kang andiyan hindi ka manlang nag sabe saamen, nagpaalam. Pangatlo, naiintindihan naman ng ABS-CBN Loi eh kung kailangan mong kumita para sa pamilya eh. Pero yung hindi ka nagpaalam.”

2 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Unknown said…
Dapat lng wag n silang bumalik sa ABS CBN,,,Hindi manlang Makapag antay,,,masakit sakin hindi sila nagpapaalam ng maayos,,,kahit ako masasaktan ako,,,Kaya ako kapamilya Forever,,,we love u Abs cbn
Unknown said…
Tama po. Babangon ang abscbn ng wala cla. Sa hirap at sa ginhawa sama sama dapat. Ang laki n ng kinita nila sa abscbn. Tapos ng nag ka problema aalis cla. Kaya wag na cla bumalik mga hudas cla.
Previous Post Next Post