Sa latest vlog ni Ivana Alawi ay niregaluhan niya ang kanyang ina ng isang brand new Ford Expedition Car na nagkakahalaga ng 3,731,650 na kanya raw kinita sa isang Lyka App.

Ano ba ang Lyka App? Ang Lyka ay isang Silicon Valley and Hongkong-based company founded in 2017 na isang social media app. Isa itong app na babayaran ka sa iyong passion. Kung mag-uupload ka ng content at makapagengage sa iba ay kikita ka sa pamamagitan ng gems. Ang 1 gem ay katumbas ng 1peso.

Saan magagamit ang gems? Ang mga merchants gaya ng Adidas, Guess, Aeropostale, and PlainsandPrints ay tumatanggap ng gems at dahil trending na ito ngayon marahil mas marami pang mga kompanya ang tatanggap nito.

Sa review naman, may isang user ang naalarma dahil diumanoy walang deactivation feature ang nasabing app.

“The only app I knew that doesn’t have the “Account Deactivation” feature. I want to deactivate my account and my personal information be deleted from your app. I have already sent an email to your support team, but it says I have no account and gave me a passcode. I only entered my phone number upon opening an account with Lyka. So, there’s no way out of this app? I don’t even know where to follow up regarding the updates of my account. I will delete this comment after my acct deactivation," sabi ni wendee sa kanyang review 


May isa ring IOS user ang nagreklamo dahil  tinuro raw ng indicator sa kanyang IOS 14 Beta na ginamit raw ng nasabing app ang kanyang mirophone at camera ng hindi niya nalalaman.

Matapos itong makarating sa pamunuan ng Lyka ay agad narin silang naglabas ng pahayag at sinasabi nitong patuloy parin nilang inimprove ang kanilang app. At ang glitch sa IOS ay kanila ng naayos.

Photos from Lyka/Facebook








Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post