Nagbigay ng kanyang seryosong saloobin ang Entertainment News Writer na si Lolit Solis ukol sa nagviral na video ng mag-amang John Lloyd Cruz at Elias Modesto na walang suot na helmet.

Ayon kay Lolit: 

"Talagang wala ka na ngayon maitago Salve. Pati iyon pagmo motor ng mag amang John Lloyd Cruz at Elias na anak niya kay Ellen Adarna na walang hermet nakunan ng publiko kaya napansin."

"Tutoo naman na dapat nagsuot ng helmet ang mag ama dahil peligroso naman talaga lalo pa nga at batang bata pa si Elias."

"Baka naman malapit lang sila nag punta at hindi na naisip ni John Lloyd iyon, baka sandaling ikot lang kaya medyo nag dare siya."

"But gaya nga niyan, madali kumalat at nabalita kaya ngayon baka maging problema pa niya. Sorry nga, dahil active ang social media."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post