Pinagmulta ang anak ni Mega Star Sharon Cuneta na si KC Concepcion at 32 na iba pang personalidad dahil sa paglabag sa COVID-19 protocols.

Si Concepcion ay umattend sa controversial birthday party ni Tim Yap nito lamang 17 sa Manor Hotel Baguio.

Matatandaan na kumakalat ang mga larawan sa nasabing party na kung saan makikitang walang suot na face mask at faceshield sina KC.

Samantala, sa Facebook Post ng Public information office sa Baguio ay inilahad  itong nagmulta ng 1500 si KC.

Siya at ang kanyang mga kasamahan ay obligadong magbayad ng 1000 pesos kada isa dahil sa hindi pagsuot ng facemask at 500 pesos naman para sa hindi pagsunod sa social distancing.

Ang hotel naman ay nagbayad ng 9,000 pesos dahil sa hindi pagsunod sa covid-19 protocols.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post