Tapat na inamin ng award winning actor na si Joshua Garcia na sumagi na sa kanyang isipan na lumipat na lang sa ibang network noong panahong nawalan ng prankisa ang ABSCBN.

Inilahad ito ng actor sa latest vlog ni Enchong Dee.

“Tinanggap ko sa sarili ko na magsasara ‘yung kumpanya,”  sabi ni Joshua ng tanungin siya ni Enchong kung ano ang mga pag-aalala niya sa mga panahong nawalan ng prankisa ang ABSCBN.

Inamin din ni Joshua na siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.

At nang tanungin kung nakonsider ba niyang lumipat ng ibang network.

Sabi ni Joshua: “Sumagi sa isip ko, pero hindi ko magawa.”

“Ibang relationship ‘yung na-build ko with ABS, e. Parang naging pamilya ko sila. Parang hindi ko kayang iwan. Mananatili na ‘yung loyalty ko na sa ABS,” 

“Siguro, nadala lang ako kasi magsasara na ‘yung ABS, tapos may pandemic pa. Kailangan ko kumita ng pera para sa pamilya ko. Eventually, magiging okay din lahat, e, unti-unti.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post