Dinepensahan ni Javie Benitez ang kanyang rumored girlfriend na si Sue Ramirez laban sa mga basher na nagsasabing may sekretong relasyon diumano sila ng action star na si Ian Veneracion.

 Nito lamang January 23, nagpost ang actress na si Sue Ramirez ng isang larawan sa kanyang instagram na naka  two-piece. 

Nilagyan niya ito ng caption na: “What do you want to dream about tonight?”

Marami sa mga followers ni Sue ang humanga sa actress peru may dalawang netizen na nagcomment ng hindi maganda.

“@sueannadoodles blind item Ka sa @pepalerts , Kabit Ka daw ni @ianveneracion,” sabi ng isang basher

 Ito naman ang sinabi ng pangalawang basher: “@sueannadoodles kamusta secret relationship nyo ni @ianveneracion1? @javibenitezzz.”

Agad naman na dinipensahan ni Javi si Sue: “hindi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae. Mali hula niyo kaya itigil niyo na yan.”

Hindi na sinagot ni Javi ang iba pang basher at wala ring komento ukol rito ang actress.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post