Ibinahagi ng Bagong Darna na si Jane de Leon ang kanyang experience ng makatrabaho niya si Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Sa kanyang interview sa TV Patrol nito lamang January 21 ay kinumpirma niyang magiging cast siya sa Ang Probinsyano kasama sina AJ Raval, Marc McMahon, Vance Larena, Geoff Eigenmann, at Paolo Paraiso.

Isiniwalat ng actress na ang gagampanan niyang role ay isang sniper.

“Magaling ako na sniper. Yun ang eksperto ko sa role na ito at ako’y kasintahan ni Geoff Eigenmann.

“Abangan niyo kung ako ba yung magiging kalaban or magiging kakampi ni Cardo Dalisay,” Sabi ni Jane 

At nang tanungin kung kumusta ang trabaho niya kay Coco Martin.

“Napakabait niyang tao at napaka-gentleman niya and hindi mo mararamdaman na anything na mabigat sa aura niya. 

“Nakikita ko rin na napaka professional niya na aktor,” Sabi ng actress.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post