Inisa-isa ng isang netizen na base sa kanyang profile sa faceboook ay isa siyang GMA Consultant na ang pangalan ay Sohaimen M. Agal  ang diumanoy mga paglabag ng ABSCBN sa mga muslim.

Basahin dito ang kanyang buong post:

"Isa isahin ko ang ilan sa mga natatandaan kung ikinasama ng loob ko sa ABS CBN. Hindi upang siraan sila ngunit upang magising sa katotohanan ang ibang mga Muslims na tela ipinagtatanggol pa ang ABS CBN after nila bastosin ang sambayanga natin.

Prayer mat lang daw ito, kesyo magpatawad dw at di dw nila sinadya, nag sorry daw sila pero wala namang sorry sa statement nila, di talaga sila marunong magpakumbaba. Uma accept ako ng sorry pero pag paulit ulit nalang at dipa natututo is iba napo yon, and besides di naman kasi sila nagso-sorry EVER! 

Bash me kung gusto niyo pero iyan ang masaklap na katotohanan, mas pinupuna pa ng ilan ang legal wives na wala namang hayagang pambabastos sa Islam na ginawa. Tsk. Hindi ko ini aangat ang kabila kasi alam kung my pagkakamali rin sila minsan in the past pero marunong sila mag apology. At yon ang tunay na honest mistakes.

ABS CBN Offenses to the Muslims;

1.  MMK Episode nila, sa dinami dami ng rug na available sa market, bakit Sajda pa ang binili? upang manadya at bastosin ang ating relihiyon? Saan ang Maratabat natin sa relihiyon? dahil ba sa kapamilya tayo ay wala na tayong paki alam kahit ilang beses at paulit ulit na nila tayo sinasaktan sa loob at binastos? 

2. Princess Fatima T. Parahiman, 2019 Philippine Bar Exam 2nd Placer,  hindi ibinalita ng ABS CBN dahil sa siya ay Muslim. Tanging ang 1st, 3rd, 4th ang ibinalita nila. Bakit? Dahil lang sa Muslim siya? Bias nga mga balita niyo.

3. Nitong kasagsagan ng lockdown,  si Tina Marasigan, abs cbn reporter ay namigay ng alcohol pero noong dumating sa babaing muslim ay nilaktaw siya at di binigyan. Mataan ka ishan o miyaropt a Puso akn sa kiyarata a ginawa akn roo T_T Andadn so maratabat ka pagariya a mas pinagtatanggol mopa ang abs cbn na yan.

4. A Soldiers Heart Show ng ABS CBN, pinagmukhang terorista ang mga Muslims sa Pilipinas, dinagdag pa nila ang Haram portrayal ng isang babaeng Muslimah na lumalandi sa Kristiyanong sundalo. Nakinig ba sila sa hinaing natin? wala! Ni isang statement wala silang binigay, nagbingi bingihan lang sila, pero noong ma issue sila sa maling portrayal nila sa Butuan City, agad agad sila nag release ng apology. Pero tayo nag apology ba sila? wala! wala silang pakialam sa atin T_T

5. Noong pag ataki ng Israel sa Gaza, Palestine ay di nila binalita pero noong gumanti ang Palistine, nilabas nila sa balita tapos iniba ang kwento, dinagdagan at pinag mumukhang masama ang mga Muslims. 

5. Teleserying Juan Dela Cruz led by Coco Martin. Ang mga demonyong kalaban ni Coco Martin ay puro nag ngangalang Muslims, tapos kunwari my disclaimer sila na nagkataon lamang? Really? Omar, Abdul, Mikael, etc??? Wag kami ang lukuhin niyo. 

6. Noong BBL time, ang daming balita at interviews sina Ted Failon, Karen Davila, 

Noli de Castro na bias. Halatang ayaw nila sa BBL at bini-brainwash ang sambayanang Pilipino na wag ito suportahan.

7. Noong kasagsagan ng Marawi Siege. Ang dami nilang balita na dagdag bawas. Ginagawang masama ng mga taong nawalan ng ariarian, nawalan ng mahal sa buhay at naka alis sa sariling bayan. Bukambibig nila na ang mga Muslims ay terorista, how insensitive =( 

8. I have a friend, artista. Noong naga apply siya sa ABS CBN ay pinapatanggal nila ang name niyang Muslim ayaw dw nila kasi, pero noong sa GMA siya mag apply ay okay lang naman, walang issue sa GMA ang name niyang Muslim. (Wag mag artista, ito ay bawal lalo na pag babae)

9. Pag ang nakagawa ng krimen ay Muslim, Muslim na agad ang nasa Headline ng mga news nila. Pero pag ang naka gawa ng krimen ay hindi Muslim, hindi naman nila nilalagay ang relihiyon nito, pangalan lang niya. Napaka bias? 

At marami pang iba. Kayo napo magdagdag sa mga nakalimutan kung isali. I am sorry sa mga kapamilya na makakabasa rito, pero ito ang katotohanan na hindi pweding I deny. I am not doing this because parte ako ng kabilang network. I am doing this dahil tela nakakalimutan ng iba ang mga previous offenses ng ABS CBN sa ating mga Muslims at ikaw pa ang ginagawang masama dahil lang nag maratabat ka sa pag bastos nila ng ating Prayer Mat. 

#NOTOABSCBNAKO#SorrySamgakaibigangKAPAMILYA"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post