Sa mediacon ng TV series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na "The House Arrest of Us" kanina January 13, ay di maiwasang tanungin ang dalawa tungkol sa paglevel-up ng kanilang relasyon o ang kanilang pagpapakasal.

Sabi ni Daniel:  “Hindi namin puwedeng biglain ‘yung mga ganyang bagay. Sa amin ha? Siyempre iba-iba naman ang trip ng lahat. Pero kami kasi parang nakaplano ‘yun, nakalista ‘yung mga dapat naming gawin para hindi rin kami ma-rattle sa mga decision na gagawin namin. "

“Kapag binigla n’yo ‘yung isa’t isa, doon papasok ang mga problema. Kapag masyadong biglaan ang mga bagay, baka du’n kami biglang magkaproblema. Nilalatag muna namin ang mga bagay, pinaplano namin,” dagdag pa ni Daniel 

Ibinahagi rin ni Kathryn ang natutunan niya sa kanilang pelikula.

 “Yun yung natutunan namin sa movie, na kailangan pareho kayong ready and ‘yung pamilya namin ready. Baka mahimatay si mama and Tita Karla (Estrada) kapag biglang sinurprise namin sila. Aayusin muna namin ‘yung sa mga kaibigan naming ikakasal. Huwag tayo magpa-pressure just because nag-propose sila, dapat kami rin.”

Ayon kay Daniel perfect na umano si Kathryn para sa kanya.

 “Perfect siya for me because una, I always say this, she makes me a better person. ‘Yun lang naman ‘yung sa akin.

“Kapag nawawala ako sa sarili, binabalik lang niya ako nang binabalik. Masyado akong makulit na bata. Si Kathryn ‘yung gumagabay sa akin. Siya ang ilaw ko,” sabi pa ng actor 

Sabi naman ng aktres, “Hindi perfect ‘yung relationship namin. Hindi ako perfect, hindi rin siya perfect and alam naman namin ‘yun. Pero ‘yun ‘yung nakaka-excite, ‘di ba? Kaya nga masaya siya, kung anong adventure man itong pinasok namin, ilang taon na pero hanggang ngayon nandito pa rin kami because it’s worth it.”

Sa kabila nito, ayaw parin daw nilang magsama sa iisang bahay.

“Hindi pa siguro, hindi pa kami handa magsama sa isang bahay. Magpapakasal muna kami saka kami magsasama sa isang bahay dahil si Kathryn nandiyan pa si Lhexine (pamangkin ni Kath), bata pa si Lhexine. Siya ang ate nu’n. Binabantayan niya pa.

“Ako naman, nandiyan pa ‘yung mga kapatid kong babaita na binabantayan ko pa rin. Marami pa kaming mga bantayang magaganap. Magpapakasal muna kami,” paliwanag ng actor 

Source: Bandera




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post