Dinepensahan ni Claire dela Fuene ang kanyang anak na dawit sa pagpat*y sa flight attendant na si Christine Dacera. 

Sa interview ng ABS-CBN News sa kanya, nakiusap si Claire sa ina ni Christine na si Sharon Dacera na maging balance at reasonable upang hindi madawit ang mga inosenteng tao tulad ng anak niya.

“I feel sorry for her [Sharon Dacera]. Naintindihan ko totally ang nararamdaman niya, ‘yung rage, I understand that. Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. ‘Di ko rin kakayanin. Pero sana naman may balancing act, maging resonable tayo para ‘di tayo makasakit ng mga inosente at makapagbiktima ng ibang tao. Let’s not put innocent people in jail!

“This is so unfair but I know that God has a reason for all of this... The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko.”: Sabi ni Claire

Paliwanag ni Claire, ang anak niya ang nagsagawa ng CPR kay Christine upang subukan itong sagipin.

“Siya [my son, Gregorio Angelo de Guzman] ang nag-CPR sa kanya [Christine Dacera]. Gusto niya talagang mabuhay ‘yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time. Iyak siya nang iyak. He was so frustrated because he wanted to save her life but was not able to.” 

Sa huli ay nagbigay ng mensahe ang singer sa mga uto-utong netizen na nagpupulis-pulisan at nagmamagaling sa social media.

“Pairalin naman natin ang logic! At hindi totoo na nagtatago ang anak ko. From the start, ‘andiyan lang siya following police advisory. At ano ‘yung case na provisional homicide rape? Ngayon ko lang narinig yon.

“Together with our lawyer, I am here to support my son!”

Source: ABSCBN News

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post