Update: Nilinaw ng writer ng Sunday Kada na hindi pa sila magpapa-alam sa ere. Isa lang umanong season ender. Mali lang raw ang pagkaintindi ng Pep.ph sa announcement mg Brightlight.



Previous post:  

Magpapaalam na sa ere simula January 17, ang dalawang programa ng Brightlight Productions na Sunday Noontime Show(SNL) at ang Sunday Kada.

Kinumpirma ito ng CEO ng Brightlight Productions na si Albee Benitez sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang official statement sa Philippine Entertainment Portal.

Matatandaan na unang ipinapalabas ang mga nasabing noong October 18, 2020.

Kabilang ang ilang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donny Pangilinan, Jake Ejercito, at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang naging bahagi sa Sunday Noontime Show.

Samantalang sa Sunday Kada naman ay sina Jayson Gaiza, Ritz Azul, Josh Colet, Sunshine Garcia, Wacky Kiray, Daniel Matsunaga, Maxine Medina, Miles Ocampo, Badji Mortiz, at Jerome Ponce.

Narito ang opisyal na pahayag ng Brightlight Productions.

Screenshot from: Philippine Entertainment Portal



 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post