Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng ABSCBN resident director na si Theodore Boborol sa pagere ng ASAP sa TV5 na magsisimula na ngayong linggo, January 24.

Aniya, masaya raw siya na may ASAP na sa singko, peru malungkot din dahil mawawalan ng trabaho ang mga dating kapamilya dahil sa pagkawala ng Sunday Noon Time Live (SNL).

"Natututuwa ako na may Asap Natin To sa Singko pero nalulungkot rin ako sa mga dating Kapamilya na nawalan ng trabaho."

Sinisisi parin ni Direk ang mga kongresman na siyang dahilan para mawalan ng prankisa ang ABSCBN.

"Sinisisi ko pa rin ito sa mga congressmen na bumutong huwag bigyan ng franchise ang ABS-CBN. Lalong-lalo na sa kanilang pinuno."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post