Sa kanyang Instragram post, inalala ni Sharon Cuneta ang movie niya noon na "Kailan Sasabihing Mahal Kita" na una niyang pelikula matapos niyang ipinanganak si KC Concepcion.

19 paraw noon si Sharon at ito na ang pangatlong movie niya kasama si Christopher de Leon.

Nagalit raw ang asawa ni Sharon noon na si Gabby sa ending ng kissing scene nila.

"Then-hubby was so upset at the ending’s kissing scene that I had to beg Viva to cut it just before Boyet’s & my lips touched! Hahaha! Balita ko nainis si Boyet after he’d watched the movie."

Basahin ang buong kwento ni Sharon dito:

" I am watching “Kailan Sasabihing Mahal Kita” now, my first movie after I had given birth to Maria Kristina Cassandra. I was nineteen!🤪🙃☺️My third with Christopher De Leon (the first wasn’t really a full movie. Viva asked Boyet to do a cameo in my “Bukas Luluhod Ang Mga Tala” before I got married to see if Boyet and I had on-screen chemistry together! Then we did “Bituing Walang Ningning!”). Then-hubby was so upset at the ending’s kissing scene that I had to beg Viva to cut it just before Boyet’s & my lips touched! Hahaha! Balita ko nainis si Boyet after he’d watched the movie. Professionals nga naman kami. Kaya nung finally nakiss nya ako sa “Madrasta” - sabi niya after the scene, “Patingin nga (ng monitor)! Thirteen years ko hinintay ang lintek na yan!” Hahahaha! Kasi may movies pa kaming ginawa between “Kailan...” & “Madrasta” & we never kissed in a scene! Ganon talaga ako nung araw. Ibang panahon. Ang ganda-ganda ng movie na ito! Kasama ko pa si original crush (bago pa ako nagsimula kumanta crush ko na siya)! At Cebuana nga pala ako dito. Nagbibisaya ng konti lang. And it was directed by the great Eddie Garcia. Also starred me with my Cherie Gil and some of the best actors of their generation. Theme song written by George Canseco, sung by yours truly. Only the very best of everything from Viva. I am beyond grateful. God has been so good to me. (At ampogi ni Christopher talaga maryosep!) "


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post