Di mapigilang maging emosyonal ng singer na si Rey Valera sa episode ng Its Showtime na Tawag ng Tanghalan matapos niyang marinig ang kanyang isinulat na kanta ng isang contestant na "Malayo ang Umaga"

Nalaman ng Philippine Tabloid na kaya emosyonal ang singer ay dahil naalala niya ang paghihirap ng mga pilipino ngayon.

“Maiiyak na ako kanina. Naawa ako sa Pilipinas. Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo,” saad ni Valera.

Nakadagdag pa diumano ang pagsasara ng ABS-CBN sa kalungkutan na kanyang nararamdaman.

“Pag tayo nag-a-abroad, makiikita natin sala-salabat yung mga bubong. Pag pumunta ka ng ibang bansa, ayos na ayos. Tapos maawa ka sa Pilipinas. Tapos makikita mo nangyayari sa ating lahat. Tapos itong ABS-CBN nagkaganito pa. In my own way, gusto kong suportahan sa abot ng aking makakaya,” ani Valera.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post