Inilabas na ng Manila Police District ang mugshots sa pagka-aresto ni Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay. Si Arizala ay inaresto matapos magfile ng complaint ang kanyang ex-girlfriend dahil sa diumanoy paglabag sa RA 9262 or Violence Against Women and their Children Act.

Ayon kay Marlou:

"Sa ex-girlfirend ko, alam ko parehas tayong nasaktan sa mga nangyari sa atin. Alam ko nakikita mo ito, kahit wala akong ginawa pagsisisihan ko na lang. Gusto ko lang (makaalis) kasi magpa-Pasko na. Alam mo naman 'yon sina Mama, hindi niya 'yon kaya na ganitong makikita ako. Sana maisip mo rin, sana mapatawad mo ako. Sana magkaayos naman tayo. Pag-usapan natin ito. Willing naman akong makausap ka. Pangako ko sa 2021 sobrang laki nang ipinagbago ko. Alam ko naman na masaya ka na ngayon. Alam ko rin na okay ka na. Sana maging masaya ka na rin para sa akin. Sana magkaayos na tayo. Humihingi ako ng sorry sa iyo," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post