Tinawag na demonyo ni Spokesperson Celine Pialago, ang ABSCBN reporter na si Doris Bigornia sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account.

Ayon kay Pialago:

Miss Doris Bigornia, I will really call your attention through my page since walang pakundangan mong nilabas ang isang viber message na hindi kumpleto. 

“Remember the day, when you begged and asked for forgiveness in Mario’s Restaurant. Asking me to withdraw my case against you. Ang bait bait mo nun, umiyak ka at nagmakaawa. Naghanap ka ng padrino para makausap ako. Tinrato kitang tao. Ang pakiusap ko lang sayo. Tama na Mam, basta tama na kamalditahan mo. “

Kanina sa report mo sa TV Patrol. Ako ang nagsabe na bukas na ang darrio bridge u turn, yes! pero hindi mo nilabas sa TV ang buong laman ng GC, nakalagay bukas un sa emegency vehicles at nung tinawagan ko si Sir Dexter Cardenas ng QC Traffic ngayong gabi, he confirmed and he said “yes mam pinagamit na po sa mga emergency vehicles. Tapos sasabihin mo nagdulot ng kalituhan ang message ko sa viber group?” 

This time hindi kita papalagpasin. Kung meron akong pagsisisi ngayong 2020, yun ay yung pinatawad pa kita. Demonyo kang reporter ka.

Ayon pa kay Pialago sa hiwalay niyang post:

"This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita Miss Doris Bigornia. Isasama ko yung pagsugod mo sa opisina ng MMDA para awayin ako, uulitin ko, pumasok ka sa opisina namin, sa sarili naming tahanan, para awayin ako, ganun ka ka adik. Maghintay ka."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post