Naghayag ng kanyang loyalty at pagmamahal sa ABSCBN ang komedyanteng si Vice Ganda matapos ang kanilang successful na launching sa ABSCBN Station Id na "Ikaw ang Liwanag at Ligaya".
Sa twitter ay ipinost niya ang kanyang pagmamahal sa kapamilya network.
Ayon kay Vice:
"Dear ABS-CBN
Saksi ako sa dami ng iyong pinagdaanan ngayong taon. Pinahirapan ka. Binugbog ka. Pinagtulungan. Patuloy na sinipa habang duguang nakahandusay.
“Pinipilit kitilin ang buhay. Naghingalo ngunit di namatay. Sasamahan kita sa iyong pagbangon. Sa iyong pagpapalakas. At sa muli mong paglipad. Binabati kita! Kahit na binalot ka ng dilim ay patuloy kang nagniningning!
“Mahal na mahal kita!”
#IkawAngLiwanagAtLigaya pic.twitter.com/AJLnsyrNXz
— jose marie viceral (@vicegandako) December 1, 2020
Post a Comment
Dont Forget to Leave a comment