Buong tapang na sinagit ng kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang mga akusasyong pinapagawa niya ang kanyang ilong.

Sa isang game “Never Have I Ever,” kasama ang celebrity doctor na si Aivee Teo ay pinabulaan na ni Kathryn na hindi siya nagparetoke ng ilong.

“It’s a common question ah. They would ask me, ‘Parang Kath had her nose done kasi parang her nose is not the same.’ But I would always say, No."saad ni Kathryn

Ayon naman kay Doc Teo: “People are asking, they are so intrigued bakit daw ung nose mo gumanda.”

 Sagot ni Kathryn: “Si Doc Aivee, hindi ka naman niya pipilitin to do something if you’re not comfortable with it. I am happy with my nose. Siguro lang when I got thinner and medyo tumanda, kaya siya lumiit.”

“But I swear, si Doc Aivee walang ginawa sa nose ko or any doctors before Doc Aivee, just to be clear,”: Dagdag pa ng actress

Ayon naman kay Doc Teo na sumang-ayon sa sinabi ni Kath: “I think it’s nice that it’s coming from you Kath because a lot of people are curious and they are interested to know. They want to know the truth straight from you,” 

May advice din sa Kathryn sa mga gustong magparetoke.

"But if you want to have surgery, wala din namang problem doon. Go to Aivee, si Doc na ang bahala. But for me, no [I did not have anything done]. It’s all natural,” saad ng actress

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post