Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa Mt. Kulis sa tanay Rizal.

Sa instagram post ni Julia noong November 29,  ibinahagi nito ang kanyang larawan, na sakay wooden boat na matatagpuan sa tuktok ng limestone rock formation malapit sa camp site sa Mt. Kulis, isang hiking destination para sa mga nagnanais makakita ng sea of clouds peru hindi niya binanggit kung sino ang kanyang kasama dito.
Naispatan rin ng ilang mapagmatiyag na netizen ang larawan ng isang lalaki na sinasabi nilang si Gerald Anderson  na nakasuot ng mask at nakaupo sa isang heart-shaped bamboo structure na matatagpuan din sa Mt. Kulis na pinost ng kanyang fans noong November 27.

Samantala sa isang drone video na pinost ng kapatid ni Gerald na si Ken Anderson ay sinasabi ng ilang netizens na magkasama raw sina Julia at Gerald.

Sa video, malayo ang kuha pero makikita ang isang babaeng naka-ponytail ang mahabang buhok at nakasuot ng black cap. Nakaupo ang babae sa bandang dulo ng wooden boat na pinaghihinalaang si Julia.

Makikitang katabi ng babae ang isang lalaking hinihinalang si Gerald na may suot na cap at itim na damit.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post