Maluha-luhang sinagot ng actress na si Jessy Mendiola ang tungkol sa isyu ng engagement nila ni Luis Manzano nito lamang December 12.

Nalaman ng Philippine Daily Tabloid na nito lamang December 13, ay nag-post ang Radiant ng kanilang official statement na nagpapahiwatig ng pagkadismaya sa naganap na engagement ng dalawa. Ayon sa kanila, sila raw ang original na gumawa ng engagement ring ni Jessy. Ngunit ayon naman sa mga kumalat na report, ang kompanyang Manila Diamond Studio ang ipinakilalang nagdisenyo nito.

Tinawag din na “unethical” at “misleading” ng Radiant ang ginawang announcement nina Jessy at Luis.

Ngayong araw, December 15, ay sinagot ni Jessy ang statement ng Radiant. Ayon sa aktres, September 2019 na bilhin ni Luis ang diamond ring mula sa Radiant. Ngunit pagsapit ng May 2020, naghiwalay ang dalawa dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Habang hiwalay ang dalawa ay kinausap si Jessy ng kanyang “kaibigan”. Ipinakita at ipinasuot nito kay Jessy ang engagement ring na isusuot sana sa kanya ni Luis. Dahil sa ginawang ito ng kanyang “kaibigan”, nawala na ang element of surprise para sa proposal ni Luis.

Makalipas ang ilang buwan ay nagkabalikan ang dalawa. Dito nabalitaan ni Jessy na habang hindi pa sila nagkakaayos ay pinipilit umano ng kanyang “kaibigan” si Luis na kunin na ang singsing. Oktubre ngayong 2020 nang pormal nang mag-propose si Luis kahit sira na ang sorpresa.

Dahil buo naman ang perang ibinayad ni Luis sa Radiant, napagpasyahan nilang dalawa na ipa-redesign na lamang sa Manila Diamond Studio ang singsing para kahit paano ay mabura sa isipan ni Jessy ang ginawang pagsira ng kanyang “kaibigan” sa sorpresang isang beses lamang nangyayari sa buhay ng maraming babae.

Narito amg video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post