Kamailan lang ay inanunsyo na na tuloy na tuloy na ang paglipad ni Jane de Leon bilang bagong Darna nito lamang December 4.
Sa isang interview, inilahad ng actress ang kanyang saloobin ukol sa mga netizen na duda sa paganap niya bilang bagong Darna.

“I think it’s very normal to feel down if it’s a negative comment. Kailangan lang talaga matuto ako kung paano mag-manage noon, kasi it’s normal sa showbiz. “I do understand. Kasi nga, wala pa naman," 

Naintindihan rin daw niya ang mga kritiko.

“Sino ba ako? Totoo naman. Baguhan ‘to. Saan nanggaling ‘to? Bakit siya? Iyon ‘yung mga tanong ng netizens. Even me. Huwag kayo mag-alala, kahit ako, tanong ko ‘yun sa sarili ko: Bakit ba ako ‘yung napili?” 

Sa kabila nito, nagpapasalamat parin si Jane sa mga taong sumuporta at naniwala sa kanya.

“Maraming salamat po sa pagtitiwala niyo. Kahit na hindi pa po natin ipinapakita, pero ‘yung suporta na pinapakita niyo sa akin, hindi po kayo nag-gi-give up. You’re still pushing me to do it. Salamat din sa pagbibigay sa akin ng positivity. Maraming salamat po," 

Source: Push
 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post