Nagbigay ng isang napakasweet na mensahe ang singer na si Ice Seguerra sa kanyang asawa na si Liza Dino sa kanilang ika-6th anniversary.

Ayon kay Ice:

"6 years na kami ni misis na mag-asawa!!!

May plano kami na mag Tagaytay yesterday till today para makapagromansa kaso kailangan namin mag shoot. So nag pa book siya today sa Shang BGC para maituloy ang date kaso may napakaimportanteng meeting with Korean Film Council so we had to rebook.

In short, ni isa sa mga plano namin walang natuloy.

What happened today sums up our life together. Napakarami naming plano na hindi pa natutuloy because something got in the way. From the smallest travel boo-boos to having a baby. Siguro, kung iba yan, nag-away na. That's what I love about our relationship; kahit ano man ang dumating, naiiba man ang plano paminsanminsan, we go through it together.

Situations change all the time kaya I'm just blessed na magkasama kami para harapin ang bawat pagbabago na dumarating nang bukas ang puso at isipan. We have learned to accept and actually find ways to enjoy and make the most out of all the changes that come our way.

It takes a special person to do that...and I'm glad she's my wife.

Ngayon, nasa labas siya para bumili ng steak. Ipagluluto niya daw ako. Yun pa lang, bawing bawi na.

Steak night ala Liza Diño-Seguerra, walang panama ang Tagaytay and Shang BGC diyan.

Best date night ever!

Happy anniversary, my dearest wife. Ikaw lang...sapat na."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post