Kalat na kalat na ngayon sa social media ang isang karumaldumal na insidente ng isang pulis na si Jonel Nuezca at ang mag-ina sa Panique Tarlac na nakuhanan pa ng video.

Maraming mga netizens ang naglabas ng kanilang saloobin at isang na rito  ang police-model-actor na si Neil Perez o PoliceStaff Sergeant Mariano Perez Flormata Jr. tunay na pangalan isang operatiba ng PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP).

Siya ang kauna-unahang Pilipinong Mister International titlist, at kilala sa taguring “Guwapulis.”

Matapos naging usap-usapan ang nasabing insidente, nagpost si Neil sa kanyang instagram ng isang artcard na may nakasulat na: "“Hindi kaming lahat ang pum*tay sa kanya. -Uniporme at tsapa.”

Marami sa kanyang mga follower ang agad na nagreact at sinabihan siyang “nakakapang diri” at “disgusting.”








Photo Source: @NEIL23PEREZ ON INSTAGRAM  






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post