Sinibak na sa pwesto ang Chief of Police ng Bato, Catanduanes na matatandaang nagpost sa kanyang social media kaugnay sa nangyari at sinisisi nito ang mag-ina kung bakit sila nabaril ni Jonel Nuezca sa Tarlac.

"May policy din po kasi tayo sa mga pulis na 'wag gamitin ang social media sa mga opinyon na 'di magbibigay ng hustisya para sa propesyonal na pagtanaw ng PNP sa isang usapin," ayon kay PNP spokesperson PBGen. Ildebrandi Usana.

Nagpadala ng sulat si Bato mayor Juan Rodulfo sa provincial director ng PNP para palitan si PCapt. Ariel Buraga.

Source: News 5


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post