Sa unang pagkakataon ay emosyonal na ibinunyag ng ABSCBN News Anchor na si Bernadette Sembrano sa kanyang recent vlog na pinost sa facebook ang tungkol sa kanyang anak na Babae.

Ibinunyag ni Bernadette na nakunan siya noong December 8 last year.

"It took a while before I decided to post this - I ask myself, 'How much should One reveal?"  

 "Our daughter was officially "implanted". We lost her 9 weeks after. We do have a daughter and she inspired me to live a life of knowing and remembering. To all those who shared their stories, their pains with me and the world through our reports, thank you. I listened and you changed me. Salamat po."

Hindi napigilang maiyak ni Ate B habang ipinapakilala sa mga netizens si Molly, ang pet name niya kay Maria Victoria.

"I want you to meet Molly," sabay close-up sa isang figurine na angel. "Si Molly 'yung baby namin ni Asawa (Emilio Aguinaldo IV), Maria Olivia. Ayan, nakakaiyak pala, 'noh?"

"Why am I talking about Molly? Well, we had Molly later part of 2018. I think it was December 8 that we got confirmation that Molly was successfully implanted sa atin noong December 8 of 2018. But we've lost her before my birthday of 2019.

"When we lost Molly, that's when I learned to honor Molly's life by living a full life and saying yes to a lot of things.

"Why? Ang pinanggalingan nito, I remember when I was pregnant with her, I had a journal. Palibhasa, late na ako na-pregnant, I thought to myself I should write her like mga habilins in case I don't see her grow up,"

"Ang point lang dito, we are celebrating "bubog." Marami tayong bubog. Bawat isa sa atin, may bubog. May sugat na malalim. Masakit na ating dinadala na hindi kailanman mawawala. Pero ang point dito, paano mo yayakapin 'yung bubog na meron sa puso natin," 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post