Sasampahan ni Anthony Taberna ang taong nagnakaw sa kanilang kompanya.

Sabi ni Anthony sa kanyang instagram post, pinakamabigat umano na taon ang 2020 dahil sa matinding pagsubok na dumating ngayon sa kanyang buhay.

“2020: 16 days ka na lang!!! Pinakamabigat na dinaanan namin sa taong ito ay ang karamdaman ni Zoey. Habang pinapasan namin ito ay pumutok ang Bulkang Taal at dumating ang pandemya na humampas nang husto sa Ka Tunying’s at sa mga umaasa rito. Nakakatindig naman kahit paano dahil sumusuweldo pa ako noon sa ABS-CBN pero nadale naman nang hindi maaprubahan ang franchise sa Kongreso. Pero okay pa rin. Pagsubok lang yan. Ngiti pa rin. Nakatindig pa rin. Tapang-tapangan, lakas-lakasan. Pero di ko akalain na bago matapos ang 2020, may humahabol pa!” 

Nadiskubre ni Anthony anang taong nagnakaw sa kanilang kumpanya ay ang taong kanilang pinagkakatiwalaan.

“Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan! Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account. Hindi maliit na halaga, milyong piso na mula sa paghihirap ng mga empleyado ng Ka Tunying’s—tama po, habang nagtitiis sa hirap ng pagtatrabaho ang mga panadero, kusinero, serbidor at serbidora, driver, janitor at iba pa, siya naman pala ay nagpapakaligaya sa perang hindi naman sa kaniya. At ang lalong masakit at karima-rimarim, noon mismong ikinuwento ko sa kaniya ang hirap ng kalooban at bulsa dahil sa aming pinagdadaanan gawa ng natuklasang karamdaman ni Zoey, wala pa ring puknat ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya,”

Ayon pa kay Anthony, kakasuhan raw niya hindi lang ang taong nagnakaw kundi pati narin ang banko at mga taong involved nito.

“Kakasuhan namin ang taong ito pero hindi ako papayag na di mananagot ang bangko at pati na ang kaniyang mga kasapakat. Naghahanap kami ngayon ng KATARUNGAN. Tulad ng unti-unting paggaling ni Zoey, tiwala rin kami na makakabawi at hindi babagsak ang kumpanya. Oo nga at nahihirapan kaming lahat ngayon sa Ka Tunying’s pero hindi kami basta susuko,” 

Sa kabila ng nangyari, hindi raw susukuan ni Anthony ang kanyang negosyo lalo't maraming tao ang umaasa nito.

“Malakas ang loob namin dahil may mga taong tumatangkilik at nagmamahal sa amin at sa Ka Tunying’s. Hindi ko tatalikuran ang maraming umaasa rito na mga empleyado at kanilang pamilya. Pagsasama-samahin namin ang lakas namin at ang pagtangkilik ng publiko taglay ang inspirasyon ni Zoey sa amin. Higit sa lahat, sasandal ang aming tiwala sa Panginoong Diyos at manghahawak sa pangako na hindi Niya tayo .pababayaan,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post