Di mapigilang maging emosyonal ni Anthony Taberna matapos niyang ibinahagi sa kanyang Instragram ang larawan ng kanyang anak na nagpakalbo dahil sa Leukemia.

Basahin ang buong post ni Anthony dito:

"Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. 

Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko

Mapigil ang pagpatak ng aking luha. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey.

 Andito pala ang kaniyang instagram, may post siya tungkol sa kaniyang journey. @azasiazoey1011"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post