Nagkaroon ng isang emosyonal na usapan sina Vice Ganda at Ryan Bang kamakailan lang sa Its Showtime.

Winarningan ni Vice si Ryan na soon iiwan din niya ito at dapat matuto si Ryan na tumayo sa kanyang sarili.

“Huwag kang umasa na nandito ako forever. Darating ang oras na iiwanan kita, Ryan. At dapat kaya mo ‘yon. At dapat, ngayon pa lang, handa ka doon,” 

Nagbigay rin ng advice si Vice sa mga parents na hayaan magkamalina ang kanilang anak at suportahan ang anak sa pamamagitan ng pagtama sa kanilang mali.

“Hayaan ninyo silang magkamali, hayaan n’yo silang mag-decide. Tapos pag nagkamali, tsaka ni\’yo sila suportahang magkabangon. Pero hayaan n’yo rin silang madiskubre kung paano sila babangon, kung paano nila matatama ang kanilang mga pagkakamali"

Ayon pa kay Vice hindi rin daw dapat binibaby ang mga bata.

“Hindi puwedeng sinusubuan natin nang sinusubuan. Kapag bini-baby nang bini-baby, nabobobo ‘yung mga bata,” 

“Nahihirapan sila paglabas ng bahay. Hindi na nila alam kung paano sila haharap sa hamon ng mundo, kung hindi kayo katabi,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post