Labis na nagpapasalamat si Vice President Leni Robredo sa kabutihang ginawa ni Bea Alonzo sa mga kababayang naapektuhan ng bagyo.

Ito ay matapos mamigay ng mga relief goods si Bea sa tulong ng I Am Hope Foundation.

Ayon sa facebook post ni Leni:

"[A] Lubos ang ating pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng I Am Hope Organization, na pinangungunahan nina Rina Navarro at ng aktres na si Bea Alonzo, sa ating mga inisiyatibo! Nagbigay sila ng tig-15 cases ng canned tuna, gatas, at kape; 15 boxes ng noodles; 25 cases ng shampoo; at 300 na piraso ng kumot. 

Kabilang rin sa kanilang ipinaabot na tulong ang 200 hot meals at milk tea na ipinamahagi natin sa evacuees noong dumalaw si VP Leni sa Francisco P. Felix Elementary School sa Cainta, Rizal nitong linggo. (TINGNAN: https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/posts/3384575991660045)

Malaking bagay ang mga ito para sa ating mga kababayang nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Maraming, maraming salamat!"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post