Inulan ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizen ang nagviral na live video na kung saan makikitang may isang babaeng sumugod sa nagbebenta ng ihaw-ihaw.

Ayon sa babae, perwisyo raw ang usok na kanilang nalalanghap na galing sa binebentang ihaw-ihaw.

Ayon sa babaeng sumogod:"Ayaw niyo talagang tumigil ah. Pwede kayo magtinda, hindi ko kayo pinipigilan magnegosyo, pero wag kayo mamerwisyo ng iba. Nakakaperwisyo 'yang usok niyo," 

Sagot naman ng Vendor:"Eto ang bumubuhay sa amin Ma'am, pasensya na po," 

Sambit pa ng babae:''Yang ginagawa niyo, pinopollute niyo ang air namin... Ikaw kaya pàtayin ko, Pinapātay mo kami sa ginagawa niyo," 

Dahil dito maraming netizen ang nagbigay ng kanilang reaksyon.

"Grabe nman c ate Yun na nga lang Alam na hanap buhay Ng Tao tapos pinattigil pa imbis na tulungan ung Tao nillait pa bat Kaya sa dinadami Ng Tao Mundo may mga ganyang ugali pede nman takpan ung ilong okaya magmask khit NASA loob Ng  maraming paraan para umiwas di maraming dahilan bayaan niyo na Yan ate at kuya ung mga ganyang Tao may hangganan din"

"Nag bbq din ako dati pero gumawa ako ng paraan para hinde ako maka distorbo sa ibang tao. Nagpalagay ako ng exhaust kasi alam ko na may tao talaga na bawal sa usok lalo na pag may hika. "

"Naghahanapbuhay kyo pero magkakasakit ang kapitbhay nyo dhil s usok. Yan ay lason sa baga. Bumubuhay s inyo pero may masamang epekto s kapitbhay. Talo kyo dyan sa katwiran."

"my point ung nagrereklamo malay natin my mahina ang lungs sa family member nila kya health problem tlga un pag daily intake ang usok......pero nakakaawa nman ung naghahanapbuhay hirap din timbangin😥😥😥"

"Tama naman si ma'am peru dapat maganda ang pag approach niya sa nagtitinda. Makakaintindi naman siguro yan kung pagsasabihan sa maayos at mahinahon.. "

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post