Kamakailan lang ay gumawa ng isang fundkabogable donation drive ang komedyanteng si Vice Ganda na as of November 18 ay nakalikom na ng 1,021, 968.36 pesos.

Ang mga ito ay ginawa ni Vice para itulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Peru may ilang netizens ang pumupuna sa ginawa ng komedyante. Sabi ng ilang netizens:

“AFTER MO MAG BAKASYON HIHINGI KA NG DONASYON?” na ang tinutukoy ang ang pagbabakasyon nila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez sa Balesin island kung saan sila inabutan ng bagyo."

“Magdonate din po kau galing sa yaman nyu di puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit aberrr lamm naa.”

“Better kung ibebenta mo yong mga sasakyan mo or yong milyon milyon mong banyo ang halaga,” komento ng isang netizen na siya ngang nagbanggit kay Willie na nagbenta pa ng luxury car para makapag-donate sa nga nasalanta sa Marikina City."

Sa nakaraang episode ng showtime ay sinagot ni Vice ang mga netizens na pumupuna sa kanyang ginawa. Ayon kay Vice:

“Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’

“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate. Makakaasa po kayo na may personal po akong donasyon na ibinibigay,” 

 “Ginagawa ko po ito para sa madlang pipol sa mga kaibigan, sa mga Little Ponies (tawag niya sa kanyang fans), na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin yung kanilang mga donasyon."

“Ako na po ang nagkokolekta noon, tapos ako ang mamimili, at ako na rin po ang magpapadala. Para nasa bahay na lang kayo,” sabi pa ni Vice na nakalikom na ng mahigit P700,000 mula sa kanyang fundraising project."




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post