Ibinunyag ng misis ng yumaong singer na si April Boy Regino ang totoong dahilan sa pagpanaw ng singer.

Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Madelyn Regino ang isang video na makikitang nag-iiyakan sila dahil sa pagpanaw ng singer dakong 3:08 nang umaga, November 29, 2020.

Gamit ang hashtag, ay ibinunyag nitong may sakit na Chronic Kidney Disease Stage5 at Acute Respiratory Disease ang 59 anyos na singer.

Sabi pa ni Madelyn:

"No More Pain Sa Iyo Mahal .. Sobrang Pain Naman Sa Akin... Sabi mo gusto mo pang mabuhay dahil gusto mo pa akong makasama. Bakit mo ako iniwan ? Ang Daya Mo Mahal ! Hindi ko pa kaya!!! 😭😭😭"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post