Winasak ng bagyong Ulysses ang tinutuluyang villa ng grupo nina Vice Ganda at Ion Perez sa world class na resort sa Balisen Island Quezon Province.

Kasama rin nila dito ang isa pang showtime host na si Jhong Hilario.

Bago pa manalasa ang bagyong Ulysses, ay nagkatuwaan pa sila sa dalampisagan.



Ngayong araw November 12, nagtweet na si Vice na winasak na ng bagyo ang tinutuluyan nilang villa.

"Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin. Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin.

"Ung pinaglipatan naman namin, nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kami ulit.

"Mejo kalmado na ngayon. Salamat sa Diyos."

Nagpost narin ng video ang make-up artist ni Vice na kasama nila doon na kalmado narin ang bagyo sa nasabing lugar.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post