Trending ngayon sa social media ang naging post ni Sofia Andress tungkol sa paghahanap niya sa Pangulong Duterte sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa kanyang IG Stories, ibinahagi ni Sofia ang larawan ng isang bata na nilagay sa palanggana habang nakalutang sa tubig.

Nilagyan niya ito ng Caption na #NasaanAngPangulo #UlyssesPH


Matapos makatanggap ng batikos si Sofia ay binura niya rin ang kanyang Instagram story.

Sa kanyang panibagong IG story, Ipinaliwanag niya rin na nakapaghanda na ang gobyerno bago pa man dumating ang bagyo at hindi rin sila natutulog dahil sa pagmamatyag sa sitwasyon ng bansa.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post