Sobrang naninibago ngayon ang singer na si Angeline Quinto na nagdiriwang ng kanyang unang birthday na wala ang kanyang Mama Bob.

Sa pamamagitan ng Instagram story, ibinahagi ni Angeline ang isang mensahe para sa mga bumabati at kumu-kumusta sa kaniya ngayon na nasa kalagitnaan pa rin ng kaniyang paglukuksa.

Ayon kay Angeline sa kanyang IG Story: “First time na wala ang Mama Bob. Sobrang nakakapanibago sa totoo lang. Hindi ko alam parang iba ‘yung pakiramdam pero alam na alam ko po na ayaw ng Mama Bob na malungkot ako,” 

“Kaya kahit na kami kami lang ang andito sa bahay ngayon, alam ko ‘yung presence ng Mama Bob ko ay patuloy na nararamdaman po namin,” 

Nagpapasalamat din ang singer sa mga bumati sa kanya.

“Thank you very much po sa lahat ng patuloy bumabati sa akin. Salamat po sa inyong lahat. Dahil po sa inyo, kaya patuloy akong nagiging malakas sa lahat ng mga pangangamusta ninyo,” 

Sa kabila ng pinagdaan ni Angeline ay sinisigurado niya na tuloy parin ang laban sa buhay.

"Patuloy tayong lalaban guys. Kayang kaya natin ‘to dahil masayang masaya ang Mama,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post