Sa isang instagram post, ibinahagi ni Megastar ang kanyang larawan kasama ang kanyang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan.

Ayon kay Megastar sa kanyang post: “SEEMS LIKE FOREVER AGO... Ayan na puede na i-post at natakpan na ang dapat! Hahaha! Good morning! Thanks so much, Lynn! Miss & love you! Repost from @megatitas.”



Sa kanyang hiwalay na post, hiniling ng Megastar na huwag siyang husgahan ng mga tao.
 

Ayon sa kanyang post: "(Seems like these were forever ago...) O ayan na. Kahit di pa payat, pumapayat naman. Isipin niyo na lang, ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisinagan ng araw! Hahaha!), makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango mabango siya talaga!” Eh totoo naman. Hahahaha! Sabi ko nga sa unang post ko bago ko dinelete, “May bagyo naman, so gulatin ko na kayo. Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Puede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po safe kaming lahat!!!🙏🏻❤️😊😘💖💎"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post