Tila kinwestyon ni Panelo ang Blocktimer Agreement ng ABS-CBN sa ZOE BROADCASTING.

Pinaimbistigahan na diumano ng kongreso ang tungkol sa nasabing agreement.

Hindi raw kasi dapat lalagpas sa 18 oras ang blocktime ng Zoe sa ABSCBN.

Ayon kay Panelo:

Nabasa natin sa pahayagan na yung ginagawa nyong blocktime sa Zoe, Zoe ba yun, Zoe Broadcast, yung kay Bro. Eddie Villanueva? Mukhang tinitignan ng mga kongresista Kung ito ay paglabag. Kasi nga naman meron bang blocktime na labing walong oras? Eh parang lease yun,” 

“Ang under the law pag meron kang franchise hindi mo pedeng ilease, ipagbili or ipagamit ng walang permiso ang NTC, eh wala. In other words your (sic) circumventing the law, ah lagot na naman kayo dyan. Oh tapos sisishin nyo na naman si presidente eh kayo ang lumilikha nyan.”

“Kaya nga, ibig ko ngang tawagan si Bro. Eddie sabihin ko sa kanya ‘Bro. Eddie baka yung mga managers mo dyan nagkamali ah eh pag-aralan mong mabuti hindi po ba?’

Peru ayon sa report ng Kapamilya Online World 15hrs lang umano ang nakunsumo ng ABS-CBN  sa loob ng isang araw mula sa A2Z Channel ng ZOE TV.

Source: Kapamilya Online World


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post