Ibinahagi ng Manager ni Raffy Tulfo na si Ogie Diaz sa publiko ang disisyon ni Raffy Tulfo na tulungan ang dating kinakasama ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Peru sinabi ni Ogie na tutulungan umano ni Tulfo si Michelle kung magbabago na raw ito.


Ayon kay Ogie:

“Nakakatuwa si Kuya Raffy kasi sabi niya, ‘Ogie, gusto ko pa rin tulungan ‘tong Michelle, provided, willing siyang magbago.’

“Willing siyang sumailalim sa proseso ng pagbabago. Alam mo na kung ano ‘yung sinasabi ko. Na masisiguro lang natin na siya ay hindi na babalik sa kanyang dating bisyo. Dahil alam mo, nanay pa rin ‘yan Ogie, gusto pa rin natin na makapiling niya ‘yung anak niya. Maging deserving siya na nasa kanya ang kustodiya, kung talagang makikita natin ang pagbabago sa kanya,” 

“’Yun ang nakakatuwa kay Kuya Raffy ‘no? ‘Yung may puso pa rin," 

"Hindi naman porke sinabi ni Kuya Raffy na, ‘Naku di kita tutulungan. Ngipin na naging gilagid pa.’ Ang kondisyon niya ngayon ay willing bang magbago si Michelle. ‘Pag willing, kaagapay siya ni Kuya Raffy sa pagbabago niya.” 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post