Maluha-luhang naglabas ng kanyang sama ng loob ang live-in parter ng ng lead frontman ng Slapshock na si Jamir Garcia.

Matatandaan na pumanaw ang singer at sinabing nagbigti raw ito noong November 26.

Sa kanyang facebook ay naglive si Sojina para ilabas ang kanyang sama ng loob.

"Gusto ko nang magsalita. Alam ko hindi gusto ni Jamir 'tong ginagawa ko sa ngayon pero dahil wala na siya, andito ako ngayon sa harap niyo, magsasalita ako." 

"Si Jamir yung tipo na kahit dinudurog ka na ng tao, ayaw pa rin niya magsalita. Ayaw na ayaw niyang ipagtanggol namin siya. Ayaw niya na madamay kami sa lahat ng problema niya na kinimkim niya lang." 

"Simula nung pumutok yung balita na yun wala kayong narinig samin." 

"Sa totoo lang, hindi niya na iniintindi yun mga pinupukol sa kanya. Yun mga binibintang sa kanya. Wala siyang pakialam na dun."

 "Hindi niya lang po talaga matanggap yung mga taong minahal niya kayang gumawa sa kanya ng ganun. Alam niyo kung sino kayo. Mahal na mahal kayo ni Jamir pero anong ginawa niyo sa kanya?" 


"Nanahimik kami dahil ayaw namin yung ginagawa niyo, dahil ayaw namin yung gusto niyo na pagpiyestahan at gawing circus ang buhay namin."

"Pero anong ginawa niyo? Nag-enjoy kayo. Nagpakawala kayo ng mga pekeng news, gumawa kayo ng mga pekeng istorya para lang mahila niyo pababa si Jamir. Napakasama niyo." 

"Kaya nga nagpakamatay yung asawa ko dahil sa mga ginawa niyo eh"

"Tinuri kayong kapatid ni Jamir. Mahal na mahal kayo ni Jamir hanggang sa huling hininga niya. "Dinibdib niya lahat dahil hindi niya kayang saktan kayo. Hindi niya kayang suklian yung pandemonyo nyo sa kanya"
Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post