Di mapigilang maiyak ni Ion Perez sa birthday surprise ng kanyang partner na Vice Ganda.

Isang surprise birthday cake at song ang sinalubong sa kanya ng kanyang partner na si Vice Ganda pag-uwi nito sa kanilang tahanan.

May mensahe rin ang komedyante sa kanyang boyfriend na pinost niya sa kanyang Instragram.

"Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko. Gusto kong mag isip ng bonggang mga salita. Pero hindi eh. Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple. Kung ano ung totoo yun ang maganda. Kung ano yung sinsero yun ang maganda. Kaya di ko na aartehan.

Happy Birthday Benigno!!! Araw araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka nya. Na ipahintulot nyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras. At sana bigyan nya pa tayo ng mahabang panahong magkasama. Kasi gusto kong makapiling ka pa. Gusto kong mapasaya pa kita. Gusto kong mahalin mo pa. Gusto kong mahalin ka pa. Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masaya. At hanggat mahal kita yung mundo ko mananatiling maganda

Happy Birthday Noy!!!!

Mahal na mahal ka ni Tutoy!"!!toy!"

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post