Inulan ng papuri ang isang Mayor sa Marikina na si Marcy Teodoro dahil sa paglusong nito sa baha para maserbisyohan ang kanyang mga nasasakupan.

Ang mga larawan ay ibinahagi sa isang faceboook page ng Marikina PIO.

Ayon sa kanilang post:

Nilusong na ni Mayor Marcy Teodoro ang baha upang makalabas sa kanyang tahanan at muling makapag-ikot sa lungsod.

Magdamag tinutukan ng Ama ng Lungsod ang kalagayan ng mga evacuees. Siniguro niyang ligtas at maayos ang kanilang kalagayan.

Lubog man sa baha, bitbit pa rin ni Mayor Marcy ang kanyang radyo na nagsisilbi niyang komunikasyon upang makapagbigay tagubilin sa mga opisyales at kawani ng cityhall na nagsasagawa na ng rescue operation para ilikas ang mga na-trap na residente

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post