Matapos ang 19 years na pagtatrabaho ng kapamilya actress na si Bea Alonzo ay tuluyan na ngang iniwan ng actress ang Star Magic.

Kinumpirma na ito ng Philippine Entertainment Portal(Pep.ph) ayon umano sa kanilang mapagkakatiwalaang showbiz insiders.

Ayon pa sa Pep.ph, nakumpirma na umano nila ang balitang nakalipat na si Bea mula sa Star Magic at nasa pamamahala na ng veteran talent manager na si Shirley Kuan.

Mananatili parin umanong kapamilya si Bea dahil may exclusive contract pa ito sa ABSCBN para sa telebisyon at pelikula.

Ibig sabihin, hindi pa pwedeng magkaroon ng contract sa ibang network ang actress.

Source: Pep .ph

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post