Magsasama sina Manny Pacquiao at Cesar Montano sa isang pelikula na pamamagatang Freedom Fighters.

Ayon sa isang article na sinulat ng entertainment columnist na si Dolly Carvajal ng inquirer, pinagtatrabahuan na raw ngayon ang pagkikipag-collab sa sikat na international artist na si Angelina Jolie.

Naipadala na rin daw sa producer ni Angelina ang revised script sa nasabing project.

“My BFF Buboy (Cesar Montano) told me that the script of his movie with Manny Pacquiao, “Freedom Fighters,” is being rewritten. The revised version will be sent to Angelina Jolie by its Los Angeles-based producer, Francis Lara Ho. Hopefully, Angelina would be game to be part of the monumental film,” ayon sa nasabing columnist

Ayon naman sa isang article ng Abante, ang movie na Freedom Fighters ay base sa memoir of Guerila Wife written by Louise Reid Spencer. Isang amerikano na nakatira sa Pilipinas noong panahong nacolonized ang bansa sa Japan.

Ang magiging role dito ni Pacquiao ay bilang si Macario Peralta, Jr., isang guerilla leader na nakatira sa Isla ng Panay.

Source: Philnews.ph

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post