Sa kanyang instagram, inilahad ng Beteranang showbiz culomnist na si Lolit Solis na may namamagitan na umano kay Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil sa kanilang lock in taping.

Narito ang buong pahayag ni Lolits Solis:

"meron pala na develop kay Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil sa lock in. Siguro nga dahil halos magkasama kayo sa loob ng 2 linggo or more, you get to know iyon mga kasama mo sa close range. At dahil hindi kayo nagmamadali sa pag uwi dahil isang lugar kayo naka lock in, mas malalim nagiging usapan nyo, mas may interaction.

 At siguro kung nuon, casual lang ang batian, dahil sa 2 or more na linggong pagsasama, medyo mas closer na kayo. Makikita mo na kung sino mas masungit, mas sweet, mas masarap kausap, medyo makikita mo na iyon tunay na ugali. Maganda naman tignan together sila Zanjoe at Angelica, at kung swak ugali nila, iyon na, puwede ng magtagal ang kanilang relasyon. 

About time na nga siguro magkaruon ng lovelife si Angelica para hindi kung anuanong issues ang sinasalihan, at mukhang kalmado naman BF si Zanjoe kung sakali para maging good influence sa kanya.

 New romance, give it a good try, sana yumabong at lumago, para magtagal. Ang relasyon parang halaman, dapat inaalagaan, kundi, madaling mamatay."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post