Ipinakilala na ng Cornerstone Entertainment ang batikang actress na si Kris Bernal nitong Biyernes, November 27 matapos niyang lisanin ang GMA Network.

Ang Cornerstone Entertainment ay isang talent agency kung saan karamihan sa mga hawak nito ay Kapamilya stars na napapanood pa rin sa ABS-CBN via Kapamilya Channel at A2Z at ang ilan ay sa TV5.

 Ilan sa mga kilalang artistang makakasama ni Kris sa nasabing talent agency at sina Catriona Gray, Erik Santos, Jaya, John Prats, K Brosas, Kyla, KZ Tandingan, Maricar Reyes, Moira dela Torre, Sam Milby, Yeng Constantino, Zephanie Dimaranan, at marami pang iba.

Hindi magtatagal ay mapapanood rin ng natin si Kris sa Kapamilya Network.

Sa ngayon, may proyekto si Kris at ito ay ang weekly serye ng Kapatid Network (via APT) na Ate ng Ate Ko kasama ang Kapamilya stars na sina Jake Cuenca at Joem Bascon at nakapag-guest na sa SNL kasama naman sina Piolo Pascual at Maja Salvador.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post